
"ARAY!!!aray aray ang sakit mam! mam naman ok na yung papuntahin niyo ko sa guidance office e wag lang naman po ako kaladkarin sa tenga. sige kayo pag naputol yan d na ko makakapakinig ng lectures niyo"
"Eh hindi ka naman talaga nakkikinig e, kaya ok lang n maputol yan. Madalas lagi kang natutulog o di kaya nag-cucutting classes o kaya naman nakikipag away na sa mga katabi mo. napaka war-freak mo"wasus!nangloko pa si mam. pero kung sa bagay totoo naman. pero masakit parin yung pingot niya pasalamat siya teacher siya at mas matanda sakin at medyo close kami, kung hinde kanina ko pa yan na patulan.
"hay nako for sure close na kayo ng guidance couselor. kahapon lang e mga limang beses ka nakapunta dun e"
"mam naman ngayon niyo lang po nalaman?? eh since 1st year pa kami close e, pano ba naman 7 times ko siya nakakasama sa loob ng isang araw"
"ARAY!mam naman e nakakailan na kayo! isusumbong ko na kayo sa bantay bata. nang chachild abuse na kayo e"binatukan naman ako netong teacher nato. naku ha nababawasan na brain cells ko!
"anong bantay bata?!?gurang ka na no. dapat nga ako mag kaso sayo ng pangaabuso sa mga---"
"SENIOR CITIZEN???pede rin mam sige tulungan ko kayong tawagan sila, tutal may lod pa naman po ako e."
*pak*"ARAY!!!may batok na naman?mam ha ikaw........"
"ano ano ano?papatulan mo rin ako?magpakatino ka na kasi. ang talitalino mo pa naman, biruin mo since first year walang nakakapag-patalsik sayo sa pagiging 1st honor? hay sana makahanap ka na ng katapat mo o di kaya lovelife"
"syempre hinde ko po kayo papatulan. di ba nga maging magalang sa matatanda?.......eeehh?!? wait lang may sinabi kayo yung huling sinabi niyo...nabingi yata ako dun mam. LOVELIFE?!?!?"
"hoy!di pa ko matanda no atsaka dapat lang yun para bakasakali man lang tumino ka"
hay salamat nandito na rin kami sa tapat ng office ng bestfriend ko.
"oh pumasok ka na babalik na ako, time na"
hindi na ako sumagot. pagbukas ko ng pinto may hindi kanaisnais akong nakita----Oh hinde! bat nandito nanaman siya, kung sabagay pareho naman kami bestfriend na si guidance.
aba! at ang taray pa ha tinaasan ba naman ako ng kilay? loko to ah!
"oh ikaw nanaman??? kayong dalawa ha ginagawa niyo nang bahay tong office. eto ngang si Kim nagdala na ng sarili niyang upuan dito, hindi daw siya komportable sa upuan dito"
talaga nga namang makapal din ang mukha e no?
"ano nanaman bang kaso mo ngayon Raynell*rey-nel* ha?"
"binuksan ko po lahat ng gripo sa lahat ng banyo ng highschool dept. pati na rin yung sprinkler sa garden. So now pede na po ba akong lumabas kasi alam niyo naman na kung ano yung kinalabasan ng ginawa ko. At isa pa may masamang hangin dito sa office niyo, allergic ako sa ganun e"sarcastic pa pagkakasabi ko nun ah
"ako din mam eh siguro kung nasa labas ako siguro sariwang sariwa ang hangin na malalanghap ko, nasosofocate na nga ako dito eh"talgang hinahamon ako netong kumag
na to ah. magtutuos tayo mamaya! tinitigan ko siya ng masama, tinitigan niya rin ako. nagtitigan kami nun at inawat na lang kami ni mam
"kayong dalawa tigilan niyo nga yan ako yung natutunaw sa inyo eh!"
"HUH?!?"at sabay pa talaga kami ha
"hoy ikaw! wag ka nga nang-gagaya, palibhasa wala kang originality"
"hoy ka din! hindi kita ginagaya no, at bakit naman sa dami rami ng gagayahin ko e ikaw pa! LOSER!!!!!!!!!!"
"pasalamat ka di ako pumapatol sa babae!"
"ano namang tawag mo sa ginagawa mo??? nagpapaka-gentleman? oh please di yata mangyayari yun noh!"
*dug*"ARAY!!!!!"sabay kaming umaray kasi paguntugin ba naman kami netong lalaking to. Halata tuloy na matigas yung ulo niya
"ang sakit*habang hinihimas niya noo niya* ang tigas kasi ng ulo mo eh"teka parang ako yata magsasabi nun ah
"hindi ka pa ba titigil Kim?"
*bleh*binelatan ko nga
"at ikaw naman Xzaryne*sha-reen* Raynell! kababae mong tao napaka pasaway, unfinesse at war-freak mo! mas maangas ka pa nga kesa sa ibang lalake dito sa school e. takot nga silang ligawan ka e"
yah yah whatever...blah...blah...blah
"hah! syempre di naman talaga babae yan e, nag pa implant lang----ay mali nagpaimplant ba? parang hinde naman e, para ngang nakatalikod e. sino ba naman kasing t**gang doktor yun. at tingnan mo oh ang payat masyado!"
napatingin naman kagad ako sa hinaharap ko. di naman ako masyadong flat chested atsaka slim lang naman talag---------teka nga bat ba ko nadadala sa mga kalokohan netong mokong nato!
"oh napansin mo din no atsaka mag suot ka nga ng below the knee na palda, at medyo fit na blouse. 25 bewang mo tapos 28 size ng blouse mo. at tanggalin mo nga yung cap mo bawal yan"
"bakit? below the knee naman palda ko ah. Atsaka bat ka ba nangingialam ha?!? angas neto..."
"anong below the knee? eh matatakpan na nga yang medyas mo eh! buti na lang matangkad ka, kundi ANSAGWA!!!"
"en so?!? care mo ba? di naman ikaw nagsusuot! atsaka.........hmmm.......*nginitian ko siya nang nakakaloko na ngiti*"
"that maniacal smile!anong namang ibig sabihin mo dyan ha?!?"
"hoy kahit ano pang smile ko cute pa rin ako noh!!" charing!kapal ko eh no?
"hehe........ikaw ha nakakahalata na ko sayo...pano mo nalaman waistline ko? siguro stalker ka no...sabi na nga ba may gus2 ka sakin no?"
"kayong dalawa lumabas na nga kayo na-oop ako sa inyo at naiingit na rin ako sa waistline mo Gonzales"
lumabas na kami pareho
"gus2 mo talagang malaman kung pano ko nalaman waistline mo?"
"Oo"
"nalaman ko nung sinusukatan ka ng mananahi ng school para sa uniform at sinisigaw yung '25 waistline' sa isa pang naglilista ng sukat. nagrequest ka pa nga na gawing 28 yung blouse mo eh. so done?"
at yun umalis na lang bigla at iniwan ako dun sa labas ng pinto ng guidance office. natatanaw ko pa siya nun at hinabol
"hoy!"di lumingon
"LOPEZ!!!"
"HOY ANO BA?!?"
"Bingi kaba?!?!?"wala parin. bingi nga
nagsisisigaw ako dun sa may hallway habang hinahabol siya, hanggat sa nakita kong lumiko siya kaya binilisan ko na yung takbo ko
"KIIIIIIIIIMMMM!!!!!"
aba wala talaga palabas na kami ng highschool dept. papunta ng garden. hanggat sa naabutan ko siya at binatukan ng malakas
"aray!!*napasubsob siya dun sa may bench sa garden.napalakas ata batok ko ah*"
"ANO BANG PROBLEMA MO AT BIGLA BIGLA KA NA LANG NAMAMATOK?!?!?"
halatang galit na siya. siya naman kasi e ayaw niyang lumingon...wait oh no ang lapit na niya sa mukha ko mga 2 inch na lang kaya napapaatras ako....pero nakita ko yung buong mukha niya ang kinis angelic face na baby face pa(ayos ah.pedeng pede), tapos matangos ilong niya, tapos mahaba pilik mata niya at medyo brow---wait nu ba tong iniisip ko.
bigla na lang akong may naapakan kaka-atras ko. kaya nung natumba ako nahatak ko siya--------------
oh HINDE!!!!!!
"pweh!!!pweh!!!yuck!!buti naman at di ka bad breath!!kundi mas karumal dumal!!eewww sayang talaga yung first kiss ko!"sabi ko, tapos inayos ko cap ko buti nalang di nahulog. whew
"para naman yung akin hinde!!! nuh ba yan kawawa naman yung virgin kiss ko..tsk tsk..la na IM DOOMED!!!"
"che wag ka ngang maginarte diyan. Mas karumal dumal naman yung akin, biruin mo ikaw?!?huuurrrr kakakilabot!"
"hmpf... swerte ka nga ikaw pa talaga yung first kiss ko...huhu ang pinaka iingat ingatan kong first kiss nabalewala"aba ang arte
"hoy anong swerte e halos bagsakan na ako lahat ng tampo ng mundo sa sobra kong MALAS!!! at ako pa talaga ako pa..."inemphsize ko pa talaga yun ha
"alam mo?.....maganda ka sana MISS XZARYNE RAYNELL CLAVERO GONZALES kaya lang mas maangas ka pa sa ibang lalaki dito sa school eh"
"pwede ba wag mo nga akong matawag-tawag sa buo kong pangalan pati ba naman middle initial sinama mo pa! at ayaw na ayaw kong tinatawag akong MISS!!!"
bastos talaga to talikuran daw ba ako at naglakad na paalis
"HOOYY!!!KIM DI PA TAYO TAPOS! MAGTUTUOS TAYO HUMANDA KA SAKIN!!!!"
"bye MISS GOZALES!!!"nangaasar na boses
**********
arrrgggh di ako makatulog dahil dun sa kumag na yon!.....
arrrgggh first kiss?nasayang? NO!!!
teka nga teka nga bakit ba masyado akong affected! sige ganto na lang isipin natin Raynell. friendly kiss lang yun wala yun wag ka nalang masyadong maaffect.......wheeckk!!!yuck baka enemily kiss!! tama ba? enemily?
KRRRIIIIIIIING!!
*yawn* umaga na pala. buti naman walang pumasok na nightmare sa panaginip ko, i mean si Kim
naligo na agad ako at nagbihis na. nagsuklay na ako at kinuha yung mga gamit ko pati na rin yung isa mga cap ko, at bumaba na para kumain
pagbaba ko
andun na si Kuya Yuri short for YUeh RIckson ang pinakamakulit, pinakamagulo, pinakamadaldal at pangalawa saming tatlong magkakapatid. 1st year college na siya.
"oh bunso! kain na! si Kuya Ziphril nasa taas natutulog pa mamaya pa kasing 11:30 pasok niya eh"
"eh ikaw bat ang aga mo yata ang alam ko 1 pa pasok mo"
"la lang gusto lang kitang makita sa umaga, at makita narin yang maganda mong buhok...*habang hinihimas yung buhok ko*"
"ano nanaman kailangan mo?"
"wala naman naisip ko lang na bakit ayaw mong ipakita yang buhok mo"tinigil na niya yung sinabi niya
"wala lang din. di ako sanay na may nakakakita ng buhok ko except sa mga tao dito sa bahay ha"
hinimas niya ulit buhok ko habang kumakain ako at may sinasabi siya sakin na di ko naman pinakikinggan. tapos tinigil niya ulit yung paghimas sa buhok ko at tinitigan ako habang kumakain
kairita naman tong kuya ko!
"ANO?!?!?kabanas ka naman kuya eh*habang puno pa yung bibig ko ng pagkain"
"hinihintay ko yung sagot mo????"
"anong sagot?!? may tinatanong ka ba?"
"duh??? so ano nga oo o hinde"
"oo na nga sige na bahala ka"
"talaga?!?*mukha pang excited*"
"YES!!!hehe matutuwa si Key neto"
hay bahala ka kung ano man yung tanong mo basta sinagot ko nalang di naman mukhang di maganda yun eh, at isa pa may tiwala ako kay kuya
"sige na kuya alis na ko"
kinuha at sinuot ko na yung cap ko
"sige bye!"
"oh X alis ka na?"
"opo manang Rose"
"hoy! ikaw Y ha ayusin mo na yung kwarto mo.ang gulo masyado"
"yes mam!"
pansin niyo ba na X ang tawag sakin ni manang well halos lahat sila sa labas lang ako ng bahay tinatawag na Raynell. tinatamad daw kasi sila na sabihin yung mga pangalan namin. X, Y, Z kaming tatlo.
ay nga pala yung Kuya Ziphril ko, short for Ziphril Rayn. Siya naman medyo tahimik, pero wag kayong magkakamaling sabihing matino yan. Sa totoo mahilig siyang gumawa ng ikakaperwisyo ng ibang tao inshort sakanilang dalawa ako nag mana. First year college rin siya pero magkaiba sila ni Kuya Yuri ng school sa La Salle siya sa Ateneo naman si Kuya Yuri, astig noh? magkalaban. pero mas matanda siya ng 5 minutes kesa kay Kuya Yuri kaya nga tawag sakanya ni Kuya Yuri, kuya, pero madalas Ziphril lang, kapag trip niya lang tawaging Kuya si Kuya.
about my parents. Pareho silang doctor. Yun lang
naglakad na lang ako papunta sa school sayang sa gasolina eh atsaka sa labas lang naman ng village namin yung school ko e, tatawid ka lang sa kabilang kalye at dun sa may bandang kanan liliko pag labas sa village.
after 15 minutes lang nasa may gate na ko ng school at hinde na chineck ng guard I.D ko kilala na niya ako sa pagiging pasaway ko
pagpasok ko wala pang masyadong tao syempre 5:30 pa lang kaya. duh? Raynell di ka nanaman nag-thithink.
pumunta muna ako sa room halatang wala pa yung mga kaklase ko kasi la pang bag dito. nilagay ko na yung bag ko sa may place ko at umupo na.
nagiisip pa ako nga plano para makita ko nanaman ang bestpwen ko na nasa Guidance office. Bigla nalang may narinig akong na nagsara ng pinto sa kabilang section sa section ng mortal enemy kong si Kim Lopez
di ko na lang pinansin at nagisip na lang ulit ako ayos! may naisip na ko. habang nagpaplano ako may narinig naman akong may nagstram ng guitara tapos bigla na lang may kumanta.
this time,this place
misused, mistakes
too long, too late
who is that who make you it
just one chance, just one breath, just in case thats just one laugh
cause you know, you know, you know
I love you, i love you all along, i miss you
Far away for far too long
I came dreaming, you'll be with me and you'll never go
Stop breathing and if i see you anymore
Haay...sarap naman sa tenga ng boses niya, kaya lang di man lang tinapos yung buong kanta!badtrip ah!
narinig ko naman na bumukas yung pinto ng kabilang section.
tumayo naman ako sa upuan ko at lumabas ng room. Dahil nga tapat lang ng room namin yung room ni *mr. cracker* cracker kasi alam niyo yung cracker na voice, at para medyo sosyal diba kesa naman biscuit. Ayun dun ko yun nakuha kasi, basta ganda ng boses niya.
pagsilip ko sa may bintana ng door nila. *yung parang sa ospital na pinto na may silipan na bintana sa pinto para masilip mo yung pasyente sa loob. ganun yung mga pinto dito*
sayang la na siya siguro siya yung lumabas... hmmf!!kaasar di ko man siya kilala. yung gitara lang yung nakita ko dun sa may table at may iba ring bags.
"HUUYYY!!!!"
napatalon naman ako sa gulat. ikaw ba naman gulatin ng ganun diba
"anong ginagawa mo diyan at sinisilip mo yung room ng 4th year 2a ha?"
asus talagang magkapatid nga sila nung kumag na yun
"la lang"
tinignan naman ako neto ng parang nagtataka
"tara nga pasok ka" at hinatak niya ako papasok sa room.
"ano namang gagawin ko dito?"
tapos kinuha niya yung gitara at yung bag niya yata yun
teka...
baka siya si---si---si mr. cracker
"bi...biscuit?" ano ba tong pinagsasasabi ko?
bigla nalang lumabas ang biscuit sa bibig ko hindi cracker
"huh?....gutom ka na? di kaba nag breakfast? sori la akong biscuit eh"
nu ba yan kasi salita ka kasi ng salita eh. pero mabait siya ha, di katulad ng little brother niyang kumag.
"ah wala. baka nga siguro nadala lang ng gutom. sayo ba yang gitara na yan?"
"oo naiwan ko nga eh."
"Kuya bat ka nga pala nandito diba college ka na?"
"aaah...haha...oo. La lang dumalaw lang ako para makita yung dati kong school at room. mamaya pa kasi pasok ko eh"
"pareho pala kayo ng room ng kapatid mo" kapatid mong kulang-kulang..ahihi
bumukas naman bigla yung pinto at nakita ko nga ung kapatid niyang kulang-kulang na nakatayo dun at mukhang hingal na hingal.
"Kuya Ken eto yung wallet mo oh nagkapalit tayo. nadala ko yung sayo, pero wag kang magalala di pa ako bumibili"
"tol nagkapalit nga tayo eto yung sayo oh" tapos nagpalit sila ng wallet
"ay cge tol alis na ko ha kita nalang tayo maya ha."
" atsaka?......."
"Raynell na lang Kuya'
"ayun. Raynell, sige godbless sa inyong dalawa"
tapos umalis na siya. siya nga siguro si mr. biscuit. haay biscuit na lang parang haba kasi ng cracker eh
tumingin naman sakin si Kim
"magkakilala pala kayo ng Kuya ko?"
"ah...eh..iih..---"
"oh, uh. Oh yan tapos na a,e,i,ou mo"
"kanina lang niya ko nakakilala. Kilala ko na siya kasi syempre 4th year siya nun eh"
"ou...ok"
tapos tinangal niya yung kwintas niya at may kinuhang kung anong pendant ba yun? di ko makita eh. at nilagay sa wallet niya.
anu kaya yun?...hmmf paki ko ba kung ano yun. sus pati ba naman yun pakikialaman ko pa.
umupo naman siya dun sa upuan katabi ng pader. nakita ko nakayuko siya. tulog ba to?
"Kim?"
"hey Kim alis na ko ha"
tsk tsk tulog nga
bumalik na ako sa room ko para kunin yung wallet ko, maglilibot pa kasi ako e. baka kasi mawala pa
nung kinuha ko yung wallet ko sa bag ko napansin ko na may naka lawit sa loob, parang wire
oh no! ano to? bomba? shongak! baka kung ano lang yan
nung binuksan ko yung wallet ko nahulog ang isang headset na black na may silver. pagtingin ko sony ericson w10i ang tatak at may naka lagay na K.J.P.L sa may white na tag na parang sticker.
kanino naman to? ang alam ko s500i sony ericson ang cp ko di w10i at walang K.J.P.L. Oh well ok lang yun di ko naman kilala si K.J.P.L kaya akin na muna tong headset na to.
naglibot muna ako sa may court
hmm...ang boring naman 3rd day of classes pa lang. Medyo marami-rami narin yung mga tao.
napadpad naman ako dun sa may garden
lumingon lingon ako, walang tao. tinanggal ko yung cap ko at inayos yung buhok ko at tinali ng sanrio para di masyadong bumukol kapag may cap.
sakto namang nahulog yung cap ko sa ilalim ng upuan, nung kukunin ko na sa ilalim halos nasa kabilang side na siya ng upuan, kaya kelangan ko pang yumuko. Nung makukuha ko na may biglang umapak sa cap ko, syempre andun yung kamay ko kaya...
"ARAY!!!" sa sobrang sakit
*dug* nauntog tuloy ako sa ilalim ng upuan
"ARAY!"and the worst scenario
naputol pa yung sanrio ko, kaya pag tayo ko nahulog yung buhok ko
teka kala ko ba tulog to?eh bat andito to ngayon?
tapos nakita ko si Kim na hawak-hawak yung cap ko at iniikot-ikot pa gamit yung daliri niya. Tapos tumigil siya bigla at mukhang nagulat sa nakita niya, at tinitigan ako
nakanganga pa talaga ha!
arrggghh!!!!! kabanas naman tong lalaking to!
"hoy!!! baka tumulo yang laway mo oh!"
tapos bigla siyang napahawak sa gilid ng bibig niya. AHAHA uto uto talaga
"akin na nga yang cap ko!!!"
hahablutin ko na sana sa kanya yung cap ko, kaya lang iniwas niya
"ops teka lang! sa isang kondisyon. payag ka ba? kapag di ka payag edi bye bye cap na, maghapon kang naka lugay oh kaya naka expose yang...."tapos tinignan niya yung buhok ko
"beautiful long straight hair mo"
huwaaaat?!?!?
kondisyon? tapos kung di ako pumayag la na lugay na buhok ko mamaya. aarrggh! mainit pa naman ngaun, tapos P.E pa namin. Oh noooo!!!! arrggh! badtrip ka talaga Kim
"so ano? buti nga ako lang nakakita ng buhok mo eh."
"*sigh* ano ba yung kondisyon?"
"its perfect for you, kanina lang namromroblema ako sa pagiisip kung sino bang pwede. Tapos ngayon andito na. YES!!"
"ano nga yun?!?" naaasar na ko ah, antagal nang naka lugay ng buhok ko at sa harap pa nitong ewan na to!
"oo ka muna... madali lang naman yun eh, for sure kaya mo yun"e loko pala to e pa-oohin ba ako ng di ko alam kung ano yung kondisyon niya. sigurista!!!
"eh talaga nga namang sintu-sinto ka. Bat naman ako o-oo ano ako dumb?"
"edi wag. May paparating pa naman na mga lalaki"
"ANO?!?"oh no meron nga
"so ano nga? payag ka na?"aaaahhh....andyan na sila!!!
"Oo na, payag na ko. Akin na yan!" kinuha ko na yung cap ko at dali-daling tinago yung buhok ko
lumagpas yung mga lalake at nginitian ko pa na parang walang nangyari. Nagtaka siguro yung mga yun
"psst... yung deal ha"
"oh umoo na ako. Ano na yung deal?"tapos binulong niya sakin
"ANOOO?!?"
"HINDE!!!BINABAWI KO NA!!!BINABAWI KO NA!!!"
"ops la ng bawian...sinabi mo na kaya"
"sabi na ngang binabawi ko na eh"
"sure??"
"oo nga!"
"ows di nga? talaga?"
"oo nga sabi eh!"
"ok! sabi mo eh...---"
tapos kinuha niya yung cap ko at tinakbo palabas sa school, hinabol ko siya buti walang tao palabas nasa at nasa court sila. Hinayaan na lang kami ng guard. Nakita ko siyang hawak-hawak yung cap ko at------
"AAAAAAAAHHHHHHHH!!!"
itinapon niya dun sa malaking basurahan sa labas ng school. Sakto naman na may truck na nangunguha ng mga basura. Kaya ayun wala nang pagasa
pumasok muna ako sa may gate ng school at sumunod na si Kim
"arrrggghh! bat mo ginawa yun?!?"
"sabi mo binabawi mo na e"susuntukin ko na sana siya kaya lang nakailag
"gumawa kang paraan para dito para pumayag ako!"tapos tinuro ko yung buhok ko
hinubad naman niya yung jacket niyang pangpraktis at inabot sakin
"oh mag-hood ka muna. Kunin natin yung cap ko sa locker ko"
nung nasa may locker area na kami. Pumunta siya sa tapat ng locker niya at inikot-ikot na niya yung lock ng combination niya. Tapos inabot sakin ang isang white at sky blue na cap, ang cute nga nung cap niya eh. type ko.
sinuot ko na yung cap na binigay. Infairness ang bango ha, hinde amoy pawis o kung ano man
nauna siyang maglakad sakin
"psst hoy...kim. Akin na lang to ha, eto yung palit mo sa cap kong tinapon mo"
"Kaya nga nasayo na eh"
"eto na yung jacket mo oh di ko na kelangan ng hood. Thank you na lang"tapos kinuha niya yung jacket ko at pumasok na sa room nila
Pumasok na rin ako sa room ko at marami na ring tao
inirapan ako ni Marge. Aba ang aga-aga ah
pumasok na rin yung chemistry teacher namin as usual discussion, lectures, seatwork. Boring naman ng next teacher namin boring na nga history boring pati ba naman yung teacher. Kaya ang ginawa ko natulog nalang ako buong period. Pag-gising ko ako na lang tao sa room. Bumaba na lang ako para kumain.
pag balik ko nagiistart na yung class, kaya di na ako tumuloy at bumalik na lang sa cafeteria di pa kasi ako nasiyahan sa kinain ko eh
pagkatapos kong kumain pumunta muna kong court at umupo sa may upuan na parang hagdanan ewan ko kung anong tawag dun. Naalala ko naman yung kondisyon ni Kim na kelangan kong magpanggap na girlfriend niya sa mga magulang niya. Di ko pa alam kung bakit kelangan kong magpanggap. Naalala ko naman bigla yung headset na sumabit sa wallet ko
hmm...KJPL sino ka kaya? at pano naman napunta headset mo dito?
napatingin naman ako sa relo ko. Malapit na second period ah. balik na nga ako.
**********
"hi bunso!musta school?anu naman ba ulit detention mo?"
"wala"
"ows? ano nga? sige na share mo na sakin. Di naman kasi pedeng wala eh"
"Kuya naman eh. Para namang wala akong ginawang matino"
"duh?? wala naman talaga eh"
"aray!"binatukan ko nga. pero di naman malakas
"kaw Kuya ha...bat ang hilig mo mag 'DUH?'*maarteng bose*. Nakakahalata na ko sayo, sigu---"
"aray!'term ko naman na umaray. Batukan ba naman daw ako, at take note malakas ha as in malakas
"ui bunso sori na! kaw kasi eh. Pagdudahan daw ba kagwapuhan ko?"
"che! anung kagwapuhan? e si Kuya Ziphril lang naman ang gwapo sa inyong dalawa"
"haay...minsan di ko alam kung sadyang matalino ka, o sadyang mulala sa mundo yang mga kaklase mo kaya ikaw nalang yung napagtiyagaang maging 1st honor"
"bakit mo naman na say yun ha?"
"sabi mo kaya na si Ziphril lang naman ang gwapo saming dalawa. E duh? kambal ho kami. hala lagot ka sasabihin kita kay Ziphril na sinabihan mo siya ng panget"
ay! ang chaka mo talaga lam mo na ngang kambal dalawa mong kuya e
"che...akyat na ko bahala ka diyan"
umakyat nako sa kwarto ko at nagbihis na kagad ng pj's(aga noh?well un yung pambahay ko eh.wala na kayong magagawa dun) at naghilamos na rin. napansin ko naman yung computer ko. tagal ko na ring di nag oonline ah. hmmf!tinatamad ako. makatulog muna.
pagising ko. Hmm...9:15 na buti nalang wala kaming assignment. Tagal ko nang di nakakapag online ah. Binuksan ko naman yung computer at nag sign in sa y.m. Pagbukas ko daming ol. Uy maaccept nga to..
quiet_nga: hey
hay_nako: cnu ka naman?!?
quiet_nga: xungit ah..
hay_nako: ......
quiet_nga: ano meaning nun?.......
hay_nako: hulaan mo
quiet_nga: kaya nga nagtatanong e
hay_nako: d q rin alam meaning nun eh
quiet_nga: '....'
hay_nako: oh...anu nmn meaning nun?
quiet_nga: hulaan mo rin
hay_nako: di q rin alam e
hay_nako: ops! weyt lng...lam q n
quiet_nga: ano?
hay_nako: "d q rin lam meaning nun eh" lam q d mo rin lam meaning nun
quiet_nga: galing ah! pede na
hay_nako: pede san?
quiet_nga: maging...
hay_nako: maging ano?
hay_nako: bilisan mo nga! nangbibitin ka e. dming kaartehan
quiet_nga: maging PSYCHIC
quiet_nga: ay mali. PSYCHO pala ang tamang term dun..
hay_nako: problema mo?!?!?
quiet_nga: kaw nagsimula eh
hay_nako: panong ako nagsimula?
quiet_nga: kaw naunang mang asar!
quiet_nga: ei tama na!ayoko na!peace na muna!
hay_nako: ok
hay_nako: cno kba?
quiet_nga: di mo b makita?
hay_nako: yeah right! kaw nga pala c Janri Pecson
quiet_nga: yun lam m nmn pala e
hay_nako: ano ful name mo? as in kasama pati yung middle initial
queit_nga: bakit? siguro type mo ko no?
quiet_nga: jowk lng!
hay_nako: ano nga?
quiet_nga: Janri Mendoza Pecson. Jap nalang
quiet_nga: kaw ano b fulname mo? as in kasama rin pati ung middle initial mo
hay_nako: Xzarene Raynell Clavero Gonzales. Raynell lng ha!
quiet_nga: gnda ng name mo ah, cguro maganda ka rin..
hay_nako: XUT UP!! kung ayaw mo ng away wag kang mangasar!!
quiet_nga: okey!okey! chillax lng tol!
quiet_nga: mei ita2nong q sau. wag kang magagalit ha
hay_nako: o cge na..ano na un
quiet_nga: medyo boyish ka ba?
hay_nako: ..........sa tingin mo?..........
quiet_nga: oo....
quiet_nga: magandang boyish. ahehe. jowk!peace tau
hay_nako: alis nako
quiet_nga: bakit?
hay_nako: gus2 q eh. paki mo!!
hay_nako: cge na gtg.
quiet_nga: bye..sweetie! LOKO lng! baka seryosohin mo ha
nag logout na q at pinatay na ung computer
"bunso kain na"si kuya Ziphril andito na pala siya. Di ko man lang napansin
bumaba na ko at nag punta sa dining table
"bunso nagluto ako nang favorite mo!"
"HUWAAT?!?"
"joke lang. eto naman oh, si Ziphril nagluto niyan. Takot na takot naman to. Oi di ko naman kayo lalasunin"
"anong hinde? eh muntik na kayang maconfine si mama, papa, at kuya Ziphril sa niluto mo dati. Buti nalang kumain nako sa labas"
"kayong dalawa tumigil na kayo diyan"sabi ni mama
"ayus! ang sarap talaga nito Ziph. Mmm...kainan na!"
"ops!teka lang Yurri di pa nag pepray"sabi ni daddy habang pinalo sa kamay si Kuya Yurri
pagkatapos na pagkatapos magdasal kumain na kaagad kami. Pagkatapos naman namin kumain naghugas na ko ng plato, turn ko na eh
pagkatapos kong maghugas ng plato, sumingit ako sa gitna nila Kuya Ziphril at Kuya Yurri.
"singit katalaga. Kulang sa Pansin, epal, at pampam"
"hmmf! if i know gustong-gusto mo namang nilalambing kita"
"hah! ang feeler mo talaga tol"
"shhh!! wag kayong maingay eto na yung nakakatakot na part eh"sabi ni Kuya Ziphril
"oo nga. Quiet na"
"AAAAAAHHHHH!!!!!"sabay sabay kaming sumigaw habang nakayakap sakin ang dalawa kong kuyang duwag
"hay nako mga duwag talaga kayo"
"anong kami lang ikaw rin kaya"sabi ni Kuya Ziphril
"AAAAAAHHHHH!!!"sabay sabay ulit kaming nagtititili dun sa may living room habang nakapatay yung ilaw
"hoy! mga batang to gabing-gabi na ah at nagtitilian pa kayo diyan. Kayo namang dalawang lalake mas matinis pa yung mga tili niyo kesa dito kay X"
"manang naman eh. Ginulat niyo naman kami eh. Horror pa naman pinapanood namin"
"oo nga po manang..naeenjoy ko na eh"
"kayo talagang dalawang kambal kayo. Atsaka bat hinde niyo man lang ako tinanong kung gusto kong manood o hinde"
"tabi diyan sama ako"
"aaaaahhhhh!!!"
"patayin niyo na yan! ayoko na! ayoko naaaa!!!!"
"asus! manang nagiinarte. Edi wag po kayo manood"
"ayoko nga!"
"edi manood kayo"
"ayoko nga!"
"ANO PO BA TALAGA?!?"sabaya sabay naming sinabi kay manang
"WALA!!sige na aalis na ko. Hmmf!"
"hala manang sige kayo nakakatakot oh, malayo pa naman kwarto niyo"sabi ni Kuya Yurri
"ano?eeehhh...dito nga muna ako. Mga lokong bata kayo tinatakot niyo pa ko"
"hindi kaya manang. Sige na matulog na kayo"sabi ni Kuya Ziphril
"che! ayoko nga! hihintayin ko kayong matapos!"
"sige bahala kayo"ahihi. Si manang talaga oh
nung natapos na yung The Mirror. Binuksan na namin yung ilaw at pagtingin namin kay manang. Aba tulog na, kaya pala di siya sumisigaw kanina eh.
"psst. Ziphril tingnan mo si manang oh, naka nganga pa. Ahahaha"
"hehe. Oo nga no. Teka lang ano bang favorite color ni manang?"
"yellow. Bakit?"
"may M&M's ako..."sabi ni Kuya Ziphril, habang nakangiti ng nakakalokong ngiti. Mukhang alam ko na mga binabalak netong mga to ah.
"hey! di ako kasama diyan ha. Akyat nako"
"asus! magpakatino daw? kanina ka pa ha"sabi ni Kuya Yurri
umakyat na ko at iniwan na ang dalawa kong pasaway na kuya. hah. Lagot sila kay manang bukas. hihi
nagtoothbrush nako at naghilamos na rin, niset ko na rin yung alarm clock at nag landing na sa kama ko.
**********
sa tapat ng school
"oh Raynell! anong balak mo mamaya?"talaga tong si manong guard oh, yun talaga ang pansalubong eh
"malalaman niyo rin kapag nakuha ko na detention ko"
"talaga tong batang to...pasaway"
bago ako pumunta sa room dumaan muna ako sa guidance office. Pagpasok ko
"Raynell. Oh eto na detention mo para sa ginawa mo, well siguro alam mo na ginawa mo kaya ka andito"
binasa ko naman kung ano yung detention ko dahil nga sa ginawa kong bagbukas ng lahat ng gripo sa lahat ng banyo ng highschool dept. pati na rin yung sprinkler sa may garden.
"hmm...so cafeteria duty pala ha...teka lang parang may mali----"
"mam ano to? may kasama daw ako? mam ang alam ko ako lang magisa ang gumawa ng kabutihang ginawa ko, wala pa kasi si Rox eh"
"oo nga ikaw lang magisa gumawa nun. Pero para sabay nalang kayo ng kasama mong gumawa nun, para isahang parusahan nalang"
"at buti nga wala pa si Rox. Dahil nako magjojoin forces na naman kayo sa kalokohan. At sigurado na ako malaking perwisyo yun"
"eh mam sino po ba makakasama ko sa detention na to?"
"edi sino pa ba? sino lang bang mga pasaway sa highschool dept.? eh kayo lang naman tatlo nila Rox, ikaw, at si Kim"
"wala naman si Rox kaya alam mo na siguro ang kasama mo"
"what?!?"
"ano ba yan siya pa kasama ko. Arrggh!"
"hay nako bagay talaga kayong dalawa ni Kim, pareho kayong mahilig mang perwisyo ng ibang tao. You two are the BEST LOVE TEAM of the year sa school nato. wohoo! may katapat na si Raynell. Hay love nga naman oh"
"AHEM!mam hinding hindi po mangyayari yun at sure na ko. And mam wag na wag niyo nga po kaming matatawag na loveteam?!? uuurrrgghh! yuck!"
"hoy! wag kang magsasalita ng tapos, baka malay mo magkatotoo yung sinasabi ko. And gwapo naman si Kim ah, 2nd honor, pareho sila ni Kenneth. Actually mas gwapo pa nga si Kim kesa kay Kenneth eh. Mas friendly nga lang si Kenneth, si Kim naman bihira mag smile. Oh diba interesting!"
"uhmm...mam eh kung sa inyo nalang kaya si Kim?"
"pwede ri---este ano ba?!? umalis ka na nga at bumalik ka na sa room mo!"
"bye mam LOPEZ!!!"nangaasar na boses
"bye---este---umalis ka na nga!!!chupi!"
sinarado ko na yung pinto ng guidance office
bwahahahaha!!!malupet talaga tong si Kim andaming admirers, pati teacher nagkakagusto sa kanya. Ahahahaha
para akong sira na tumatawa tawa habang naglalakad sa may hallway.
"ahahahahaha---*pak*"
"ARAY!!!" loko to ah mambatok daw ba?
paglingon ko. HAH!!speaking of the devil. Here he is, at nakangiti pa ha. Yung nakakalokong ngiti. Arrrgggh!!!
"bat mo ko binatukan?!? problema mo ha!!!"
"wala lang...trip lang"
"ah ganun. Sige humanda ka mamaya, pagtritripan din kita"
"eto naman jowk lang yun no! seryoso neto"
"anong jowk?eh ginawa mo na kaya! ang weird mo talaga"
"pareho lang tayo"
"hindi naman tayo kambal ah"
"bakit kamabal lang ba ang magkapareho?"
"hinde!"
"oh hindi naman pala. Eh bat ka sumisigaw?"
pano naman napunta sa pagsigaw tong conversation na to?
"hindi naman ako sumisigaw ah!"
"anong tawag mo dyan?!?"
"sumisigaw! atsaka bakit mo ko sinisigawan?!?"
"eh sinisigawan mo rin ako eh!"
"eh ang kulit mo kasi eh!"
"ang taas ng intensity ng boses mo 1000 na!"
"anong intensity?!eh sa bulkan at earthquake lang yun no!"
"hindi lang kaya sa bulkan at earthquake yon, sa bawat paggalaw yon ng lupa!"aba nagpalusot pa para di mapahiya
"eh bakit paggalaw naman ng lupa yung earthquake ah. Atsaka decibels ang tawag kung gano kalakas ang isang sound!"syempre kelangan ako meron din
"decimals? diba sa math yon? marunong ka pala magcompute?!"
"decibels! bingi! at hoy marunong ako mag compute no? bat ikaw marunong ka ba mag computer?!? ako marunong! gusto mo dota tayo mamaya eh!"ano bang pinagsasasabi mo Raynell? baka isipin niyan on crack ka
"at hoy!marunong din ako sa logarithm, statistics, physics, geometry, chemistry, biology, zoology, geology, meteorology, astronomy, criminology! ha! whew! wait lang hinihingal na ko"tapos tumingin nako sa kanya ng diretso"oh may gusto ka pang idag-dag? di ko na alam sasabihin ko eh, oh tapos ngayon naman di ko na alam mga sinasabi ko, wala na rin akong maisip na may gy na word!!!"
wala na bangag ka na nga sa tingin niya
"ahmm...meron akong alam"
"ano yu---che! inuuto mo lang ako eh!"niloloko talaga ako ng kumag nato eh!sasapakinko na to!
"oh eto detention mo*habang inaabot sakanya*"
"cafeteria duty...ano to may kasama daw ako?sino?bakit?"
"hinayhinay lang, mahina kalaban"
"IKAW???"
"ano ba? nakakabingi kaya...oo obvious ba wala kaya si Rox, at di naman ganun kapasaway yung isa mong barkada"
habang naglalakad kami ng mabagal sa may hallway
"haay..."
"*sigh*"
"*sigh*"
"*sigh*"
"ano ba kanina ka pa ha. Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na"kabanas na tong lalake na to ah, sa dulo pa naman ng walang hanggan yung magkatapat na room namin
"its for 4 weeks or lets say 1 month detention"
"ANO?!?!?"
"anong ano? narinig mo naman ako diba? tapos itatanong mo pa ulit"
"alangan namang sabihin ko pang TALAGA?!?"
"oo! kasi yun yung tamang term dun eh"
"isa ka talagang malaking t*nga Kim"
"anong t*nga? eh alam mo nga na 'talaga' ang tamang term dun para sa mga t*nga. Edi t*nga ka din. Atsaka tinetest lang kita kung alam mo yung mga kat*ngahan things na yan no"
"ano to board exam?"
"sa tinginmo?"
"wait lang ayoko na. Baka kung san na naman tayo mapunta niyan. Back to the topic, about dun sa detention thingy"
bat di ko man lang napansin yun?
"arrrggghh...makikita na nga kita araw araw, tapos ngayon makakasama pa kita bago umuwi."
"huy!!!you still der???"sabi ko sakanya na anlayo ng tingin
"pwede ka ba bukas?"saka lang siya tumingin
"huh?"
"tinatanong ko kung available ka bukas"
"hinde. Bat mo natanong?"
"wala. E sa saturday?"
"oo"
"ok sa saturday susunduin kita ha"
"huh?"
tapos ayun nauna na. Mahilig talaga mag walk-out yun.
pumunta na ako sa classroom
pagpasok ko andito na ang mga bruhilda at bruhitong bakla
"hay nako...ewan ko ba pero bakit kaya tumatanggap ng mga germs dito sa school na to"ang arte talaga ni Marge. Kairita.
"alam mo kung bakit?"
tapos kinuha ko yung halaman dun sa may bintana at binuhos ko sa kanya yung lupa
"AAAAAHHHHH!!!!"
"ayan. Para hawaan ng germs ang ibang nagmamalinis"
"how dare you! B*TCH!"
"oh yeah! you WITCH!"
"ayaw mo ba ng bago mong make up? may kasama pa ngang scent eh. Daig ang avon at maybeline"
"you'll be sent to the guidance office!AGAIN!!!"
"ahem ahem...kagagaling ko lang po dun. Pero wag po kayong magalala pupunta ulet ako dun para kunin yung parusa ko para sa inyo."
"alam mo marge? proud ako sa sarili ko, kasi sa ginawa ko andaming may nabenefit"
"Marge tara magpalit ka nalang ng damit at maghilamos"sabi ni Nikki. Ang dakilang alalay ni Marge. Ok naman si Nikki, tahimik, cute, simple. Mas maganda pa nga siya kesa kay Marge eh. Pero nagpapauto siya kay Marge. Si Marge naman ang mortal enemy ko. Maganda naman siya kahit papano, pero sukdulan ng arte.
"thats right girl alis na tayo dito dahil masyadong madumi!"isa pa tong baklang to. Siya si Em-em short for Eron Micheal Sison. Sayang siya gwapo naman kaya lang bakla. Isa rin yang maldito. Si Nikki nga lang ang kakaiba sa kanila eh.
"hoy! ikaw bakla ka ano gusto mo? ikaw sumunod diyan kay marge?"tapos kinuha ko yung juice nung kaklase ko na nasa table
"aaaaahhhh!!!ayoko!ayoko!PLEASE RAYNELL!ayokong masira outfit ko!!!"
"oh sige. Atsaka anong outfit? eh naka uniform ka lang naman"
"oh sige na, im out of your sight na. Alis na ko...wait lang dadaan ako wag mo muna ibubuhos yan"dumaan siya sa harap ko habang naka tiptoe. Ahaha. Mukha siyang t*nga
"BILIS!!!"habang inaarte ko na ibubuhos ko sakanya
"oo na! ayan na alis na ko"
"layas!!"
"at yun kumaripas na yung baklang yun ng takbo, Habang kanina pang nauna yung dalawang kasama niya
"ayos ka Ray, kaya labs na labs talaga kita eh. Your my supergirl!"ammf!ang kulit talaga nito
"hoy Wally! anong super girl? gusto mo bang masapak?"
"eto namang si mahal. Di na mabiro"
"hindi ka talaga titigil?!? ang kulit mo talaga!"
at yun tumigil na siya.
si Wally ang makulit pero may itsura naman kong classmate. Varsity kaya medyo habulin. Yung mga sinasabi niyang yun sakin, wala yun mahilig lang talagang mangasar yan, pati nga mga teacher inaasar niyan eh
nakabalik na sila Marge at ang sama pa talaga ng tingin ng bruha ha. Sumunod naman yung 1st teacher namin. Values teacher namin na hindi ko kilala, mukhang bata pa teacher namin. Every friday lang kasi values namin, kaya ngayon lang namin siya nameet.
"hi class im Miss Annelyn, just call me Miss Ann. Ok ill introduce my self first. Bago lang ako dito sa school na to, at bagong graduate lang din ako, im 21 years old and your Values Education teacher. So ngayon kayo naman ang mag introduce. Sino gusto mauna?"
walang nagtaas. Duh?ikaw nalang magisa kung gusto mo. ahaha. jowk!
"anyone? ok i'll be the one to choose. Ok lets start to the you Mr? uhmm the boy with a cap"
lumingon sakin yung kaklase ko na nasa harap, napalingon naman ako kay Wally dahil katabi ko lang siya, nakatingin din siya sakin. Nilibot ko naman yung tingin ko, wala naman akong kaklaseng lalake na nakacap ah, ako lang naman ang nagkacap dito sa high school dept eh teka---ay tinamaan!ako yata yun eh.
"Mr.?"
tapos tumingala ako
"ow...im sorry Miss? please come forward and introduce yourself"
sabi na nga napagkamalan na naman akong lalake eh!grrr!
"im Xzaryne Raynell C. Gonzales, 15 years old and turning 16 next year of February 17. Of course you all know that im a senior like you. Thats it"
"can you please tell us about your family"
*sigh*anu ba to, andaming tanong
"i have 2 twin brothers, they are Ziphril Rayn and Yueh Rickson. And im the youngest of them all. My parents are Riza C. Gonzales and Raynald Gonzales"
nakaupo na ako bago pa masabi ng teacher na...
"okey you may ta...ow i see. Ok who's next?"
at yun nagtututuro na siya dun. Naubos na nga namin yung buong period sa pagiintroduce eh
mabilis naman ng natapos ang araw at sa ngayon break muna ako sa paggawa ng kalokohan, may detention pa ako na 1 month eh. Kapag naka balik na lang si Rox saka kami mag hahasik ng lagim. Next time ko nalang siya ipapakilala sa inyo pag nakabalik na sila.,
lumabas na ko ng room namin. Sumilip naman ako sa 4th year 2a. Hmm... siguro nauna na yon
iniwan ko muna yung bag ko dun sa mga benches sa school namin at dumeretso na sa may cafeteria
ang nadatnan ko lang dun ay ang cafeteria lady na magbabantay samin nung kasama ko na nawawala.
"miss dumating na po ba yung isa kong kasama para sa cafeteria duty? lalake po siya ha"
"wala pa naman akong nakikitang lalake dito eh"
asan na yun? inindian na yata ako ng kumag na yon eh.
"ah sige po hahanapin ko lang po siya"
grrr! asan ka na ba Kim?
nilibot ko na ang buong campus at magdidilim na wala pa ring sign ni Kim, napagisipan ko naman na bumalik na sa cafeteria. Wala na inindian na talaga ako nun
pagpasok ko
"oh buti naman dumating ka. Ako mag pupunas ng tables at ikaw nalang ang mag walis"may sa maligno bato? atsaka diba dapat ako magsasabi sakanya nun?
nung natapos na naming walisan at punasan lahat ng tables, pumunta naman kami sa may mga plato na huhugasan namin
"wow! whew! andami naman neto"sabi ni Kim habang sinusuot ang mga gloves dun
"ikaw magsabon ako magbanlaw" sabi ko
nagsimula na kaming maghugas at sa wakas maaga-aga naman kaming natapos. Lumabas na kami pareho ng cafeteria at kinuha ko na rin yung bag ko
paglabas ko ng gate...
"haay!!! umulan pa. Kapag minamalas ka nga naman oh" Wala pa naman akong dalang payong. Ayoko namang magpasundo. Ok lang yan! masaya naman sumugod sa ulan eh. hehe
"ok in a count of one, two, threeeee------"
"aray!"may nagtanggal ng cap ko at hinatak ang buhok ko papasok ulit sa may bubong ng school
pagharap ko. Well sino lang bang mahilig akong saktan ng walang dahilan, edi ang most enemy ko na si Kim!
"ano na naman bang problema mo ha! bat mo ba tinanggal cap ko at hinigit pa yung buhok ko!"
"gusto mo ba talagang magkasakit? wala ka pa namang payong!"natouch naman ako, may puso rin pala tong si Kim eh
"concern?"
"oo! kaya wag kang makulit!"
"uuyyy!!"
"concern ako sa sarili ko hindi sayo no! pano nalang kasi kung magkasakit ka, edi ako lang magisa gagawa ng detention natin!"sabi na nga ba eh
"yeah right! aalis na nga ako!"
"aray! aray! ano ba wag mo nga sabi higitin yung buhok ko eh!"
tapos may isang black na kotse na pumarada sa harap namin at bigla nalang hinigit ni Kim yung kamay ko at tinulak ako papasok sa kotse
"ano to kidnap?"tapos siniksik ako ni Kim para maka upo siya, nasa unahan ko na ngayon yung driver. Sinarado na Kim yung pinto ng kotse at pinaandar na nung driver yung kotse
"ihahatid na kita. San ba bahay niyo?"
"sa may Roygibiv homes subdivision"
"pareho tayo ng subdivision?"
"aba malay ko alam ko ba bahay niyo"
nung nakapasok na kami sa subdivision namin, tinuro ko na sa driver kung san yung daan ng bahay namin
"thank you po manong. Eto na po yung bahay namin."
"sakin walang thank you?"demanding!
"demanding ka eh no. Thank you na. Gusto mo pumasok?"
"sige ba!"
"ang kapal mo talaga"
"tinanong mo ko eh"
"tara. Manong gusto niyo po ba sumama?"
"ah hinde ija wag nalang"
"sige po"
"manong bantayan niyo po yung kotse ha."
"oo Kim"Kim lang pala tawag niya sa amo niya. Well ako rin nga eh X lang, pero mas gusto ko yun nakakailang kasi kapag mam tawag eh"
nagdoorbell ako dun sa gate namin
"sino po sila"si manang
"manang si X po"
at yun nagvibrate na ang pintuan namin para mabuksan yung gate
"hi mang Nacio!"bati ko sa driver namin
"kaya pala di ka nagpasundo eh, may taga hatid ka na pala"
mang Nacio ang chismax
"mang Nacio eto nga pala si Kim, Kim si mang Nacio"
"hello po"
"ijo pede bang ikaw na rin magsundo at mag hatid sakanya araw araw?"
"mang Nacio"warning voice pero may halong biro
"ahehe. Joke lang"
"ok lang po, sige po bukas susunduin ko po siya, may date po kasi kami eh"habang binubulong kay mang Nacio
"ahem! anu yan ha?"
"wala. Gusto mo ba akong papasukin?"
at pumasok na kami sa loob ng bahay ko
"hi Kuyas!"bat tulala itong mga to. Pati sila mama at daddy tulala din at tinitignan kaming dalawa ni Kim
"hello! im hear!"
"ay anak! uy may bisita ka pala"sabi ni daddy. Hmm ayoko ng mga tingin ng pamilya ko
"ipakilala mo naman oh"sabi ni mama
"eto po si Kim Lopez, Classmate ko po. Kim eto naman ang mama at daddy ko si Riza at Raynald"
"tita Riza at tito Ray nalang"
"at eto naman ang kambal kong Kuya si Kuya Ziphril yung naka navy blue na t-shirt at si Kuya Yuri naman yung naka violet na t-shirt"
"magkakilala na pala kayo ng kapatid ko?"tanong ni Kuya Yuri kay Kim
"opo Kuya"
"ow good"
anong pinaguusapan nila?
"ay sige po alis na po ako, baka hinihintay na po ako ng pamilya ko"
"oh sige anak ingat sa biyahe. Sana bumalik ka ulit dito"
ANAK????ano to? nagkaroon kaagad ako ng kapatid?
"bye bro!"sabi ni Kuya Ziphril
"bye tol!"sabi naman ni Kuya Yuri
talaga tong pamilya ko oh
"ahmm... sige na ma, dy ihahatid ko na siya palabas"
"sige ingatan mo ang future manugang namin ha"*whisper*
"ano po?"
"wala anak. Sige bye Kim anak!"
"sige po! bye ma, bye dy, bye Kuyas"talagang naki ride pa sa kalokohan ng pamilya ko eh no
"sige na alis na. Pagpasensyahan mo na sila ha"
"ok lang yun. Saya nga eh"
at yun humarurot na ang kotse nila
bumalik na ko sa loob. Pagpasok ko...
"conggrats anak! yes sa wakas napatunayan ko na di ka tulad namin ng mga Kuya mo!"sabi ni daddy na mukhang excited pa.
"anak dalaga ka na!!!"sabi ni mama habang niyayakap ako
ano ba tong pamilya ko? WEIRDS
"hindi ka na binata!"sabi ni Kuya Yuri
"che! di naman talaga ako binata ah"
"sis ang swerte mo ang gwapo ng future brother-in-law ko"sabi ni Kuya Ziphril
"at mayaman pa"singit naman ni Kuya Yuri
"mabait pa at magalang"sabi ni daddy
ok na yung ibang compliments eh. Pero yung last...hmmm...ewan
"anak maganda yan! dapat makahanap ka na ng tamang lalake sayo"
"ma, dy, Kuya Ziph, Kuya Yuri hindi ko po siya ano man. Classmate ko lang po siya"
"eh bat ka niya hinatid dito sa bahay?"
"kasi po kasama ko po siya sa detention. Tapos na po namin gawin yung detention nung biglang umulan, tapos nung susugod na po ako sa ulan hinatak niya ako at bigalang may nagpark na itim na kotse sa harap namin at hinatak niya yung kamay ko at tinulak sa loob ng kotse niya. Sabi niya ihahatid niya nalang daw ako, kasi nga po diba malakas yung ulan kanina, ayaw niya naman akong magkasakit kasi kapag nagkasakit daw ako edi siya lang daw gagawa ng detention namin"
"hay...perfect match talaga kayo pareho kayong pasaway at hindi ganun ka gentle"sabi ni mama
hmmf! akala ko lusot na, yun pala nadagdagan pa
"hindi ba kayo magiging strict? gusto niyo na ba talaga akong magkaboyfriend at my age?"
"anak hindi naman sa ganun. May tiwala naman kami sayo eh at isa pa kayang kaya mong upakan ang kahit sinong kumanti sayo no. Okey lang naman samin na magka bf ka na kasi tutal 4th year ka na rin naman at magka college na, basta unahin mo lagi ang pag-aaral at hindi maging teenage parent. Natutuwa lang kami dahil for the first time nagdala ka ng lalake mong kaibigan dito, si Rox lang naman kasi ang pabalikbalik mong kaiabigan dito eh"sabi ni daddy
"ok. Sige i understand"
"pero sis sa totoo lang bagay talaga kayo ni Kim. Ayaw mo nun gwapo?"
"syempre agree kami diyan diba dy, at mga anak?"sabi ni mama
"eeehhh! tama na kasi yan eh"
"oh sige na. Sige na kain na tayo"
pumunta na kaming lahat sa dining table at kumain na rin. Pagkatapos namin kumain si Kuya Ziphril na ngayon ang naka assign sa paghugas ng plato
"Raynell may ite-tell ako sayo"sabi ni Kuya Yuri
"ano naman ba yun Kuya?"
"about dun sa deal natin"
"ah yun ba? ano ba yun? di kasi ako nakikinig nung sinabi mo yun eh"
"tinanong kita kung pwede kabang magpanggap na gf ni Key. Kasi kelangan na kelangan niya dahil basta confidential daw eh. Ayun naisip kita kasi naaawa na ko sa kanya kaya ikaw nalang yung naisip ko. Eh sakto namang magkaklilala na pala kayo, so pumyag ka sa kanya diba?"
"ano? sinong Key? pano kami nagkakilala?"
"huh? si Kim si Key. Ang buo niyang pangalan ay Key Julian Pecson Lopez, Kim for short. Akala ko alam mo? oh well bahala ka na"
eh bat Kim? anlayo sa Key Julian
"so yun pala yung deal natin. Well actually um-oo ako sakanya ng hindi ko alam"
"huh?"
"wala! long story. Wag mo na intindihin yun. Ako na bahala dun"
"ok. Goodnight bunso"
"night"
umakyat na ako sa taas
"goodnight anak!"
"night"
"night sis"
"night"
"night X"
"night manang"
pagtapos kong maggud nyt sa kanilang lahat pumasok na ko sa kwarto ko at naghilamos, nagtoothbrush, at nagbihis na din. Di pa kasi ako nakakapagbihis eh.
natulog na ko at di na inisip yung mga sinabi ni kuya. Wala naman sakin yun eh, actually wala akong paki dun.
**********
*tok*tok*tok*
*tok* *tok* *tok*
anu ba yan aga aga eh. Weekend naman ngayon at saturday pa
*TOK* *TOK* *TOK*
"Kuya Yuri ano ba!!! ang aga aga nang bubulabog ka!!!"
tapos bumukas yung pinto
"bunso mag handa ka na nga, tingnan mo di kapa naliligo"
"bat naman ako maliligo eh matutulog pa ko"
"1:30 na kaya ng hapon di ka pa rin babangon diyan"
"so what? wala naman akong gagawin ah"
"anong wala may date kapa sa brother-in-law ko noh"
"anong date? wala kaming date ni Kim noh"
"ayeee! buking! umamin ka din! ahahaha! sige na paganda na, gwapo gwapo for sure ng date mo ngayon"
"wala nga akong alam na ganyan. Wala kaming napagkasunduan"
"atsaka di uso kay Kim ang formal chuvaness na yan. Taga bundok kaya yun"
"anong di mo alam? di ka nanaman nakikinig noh?"
"susunduin ka ni Kim dito sa bahay mamayang 4:00 sharp"
"hmmf! paki ko maglalakad lang yun noh. Dito rin kaya sa subdivision natin sila nakatira"
"bangon na"tapos nagulat ako nang bigla kong narinig boses ni Kuya Ziphril tapos...
"aaaahhhh!kuyaaaaa!!!!"hinatak ba naman ako sa paa at kinaladkad pababa ng kama ko hanggang c.r ko
"oh dinala na kita dito sa banyo ha"
"dinala...kinaladkad mo kaya ako. Kalabaw ka!hmmf!bad!"tapos binato naman ni Kuya Yuri yung bathrobe ko at saktong tumama sa mukha ko
"mga sadista kayong Kuya!!"
"ligo na!"
"baka maamoy kapa ng parents ni Kim na mabaho pati na rin nung kuya niya"
ano daw? parents? oh no!ipapakilala niya ko sa parents niya!NOOOOO!!!baka seryosohin ng parents niya yun
naligo na ako para naman di ako mukhang kahiya hiya dun. Kumuha naman ako sa closet ko ng damit.
hmmm...alin ba dito? eto nalang nga. Red t-shirt at black na jeans nalang. Makapag lagay nga ng scarf. ahihi. Trip lang.
anong oras na ba? pagtingiin ko sa may wall clock ko 2:45 na
"2:45 na. Bihis na nga ako" nagbihis nako ng susuutin ko para mamaya. Nag pabango na ko at binulsa na rin yung cellphone ko at tinangay na yung cap ko. Bumaba nako para kumain. Grabe naglalunch na sila samantalang ako magbrebreakfast palang"
pagbaba ko
"bunso kain na! ganda mo talaga kahit anong isuot mo bagay sayo"sabi ni Kuya Ziphril
"anak magpakabait ka dun sa future mother and father-in-law mo ha"
"ma!"
"asus!pakipot ka pa eh. Aminin mo nga anak gwapo naman talaga si Kim eh"ankulit talaga ni mama
"opo na. Sige na"
"asan na po si daddy?"
"nauna na sakin, may appointment pa daw kasi siya sa isang pasyente ngayon eh"
tinapos ko na yung pagkain ko at nagpunta sa may lavatory para toothbrush. Pagkatapos kong magtoothbrush tinali ko na yung buhok ko at sinuot na yung cap na binigay ni Kim.
"X andito na sundo mo"sabi ni manang Rose
"aba sharp nga"tapos tinuro ko sakanya yung wallclock namin na nakasabit sa pader
"ano yan!?"
"ang alin?"
"yan!" tapos llumapit siya sakin at tinanggal yung cap ko
"cap!at bat ba ang hilig hilig mong tanggalin cap ko ha?"
"tsk tsk tsk. Wag ka na mag cap ok n yang naka pony yang buhok mo. Baka isipin ng parents ko lesbian gf ko"
"arrgggh! anadami namang conditions. Fine ganto lang pero bawal lugay ha"
"ok"
"oh Kim andito ka na pala"
"tita susunduin ko lang po si Ray"
"oh sige ingatan mo bunso namin ha"tapos humarap sakin si mama
"anak pasok na ko ha. Wag kang magalala half day kami ng dad mo ngayon"
"opo"tapos kiss sa noo ko
"manang kayo na bahala sa mga ijos ko at ija ha"
"opo Ate!"sumisigaw si manang habang nasa kusina
at umalis na si mama dala yung van namin. Na kay daddy kasi yung kotse eh.
"so alis na tayo?"
"pedeng wag nalang?"
"wag ka na makulit andito na eh"
"hmmf...yeah right whatever"
"psst! wag mo na ibalik yan ha"hay may sa maligno nga yata tong Kuya Yuri ko eh
"ayoko po. Baka malugi ako eh"aba anyabang naman netong Kim nato
"ibalik mo yan ng buo ha. Kapag hinde lagot ka samin"isa pa tong si Kuya Ziph. May lahi nga yata kaming maligno, pero di pa masyadong lantad yung akin"
"anong buo eh may kulang na tornilyo kaya yan"
"Kuya!"
"oo na bye"
tinulak tulak pa ko ni Kim dahil nga ang bibigat mga hakbang ko
"hoy wag mo nga ako itulak"
"eh parang ayaw mong umalis sa kinatatayuan mo eh"anong parang?talagang ayaw ko no!
"mahal kasi ako ng gravity sa part na to"
"sige na bilis"
at yun natuluyan na akong pumasok sa loob ng kotse nila. Nasa passengers seat kami ni Kim sa likod. Teka san kami pupunta?
"psst..."nakatingin at nakasandal siya dun sa may window sa side niya kaya di ko makita mukha niya
"psst...huy...kim"umusog naman ako sa tabi niya.
"kim?"habang sinusundot sundot ko siya. Tulog ba to?. Sinilip ko naman siya para makita yung mukha niya
hmm...angelic face nga talaga siya, pero demonic naman inside.ahaha.jowk. Over naman kung demonic. Well di naman masyado di naman siya masama eh, di nga lang gentleman at suplado pa, di pa ngumingiti. Sa totoo lang nacucurious ako kung anong klase ba yung smile niya, may dimples ba siya? kasi si Kuya Ken meron eh
"gwapo ba ang Key Julian P. Lopez namin?"
"ahh chinecheck ko lang po kung tulog siya at naattract din po ako dun sa may jollibee eh"galing ko talaga lumusot sa maling butas kaya laging palapak eh
"asus...pero di nga gwapo naman talaga si Key diba?"
"ahhmm...oo po?"
"manong san po ba tayo pupunta?ang alam ko po kasi pareho lang po tayo ng subdivision, eh lumabas na tayo ng subdivision"
"itanong mo sa katabi mo..."
napatingin naman ako bigla sa katabi ko...
nakasmile siya as in yung smile na hindi nakakaloko yung totoong smile, and wow ha may dimples din siya. Arrrggghh!magkasabwat sila ni manong driver!!!aaaahhhh!!!
"uhhmm...gising ka na pala. San ba tayo pupunta?"arrggh!bat ba ayaw niyang tumigil sa pagsmile???
"basta malalaman mo din kapag andun na tayo"
"anong oras na?"
"5:30. Wag kang magalala malapit na tayo"
"san nga ba yun?"
"secret"
after 1 min
"are we there yet?"
"nope"
*sigh*
after 1 min
"are we there yet?"
"nope"
after another 1 min
tapos bigla nalang nagpark yung kotse
"are we there yet?"
"sa tingin mo?"
"uhhmm...oo?"
"oh di bumababa ka na"
"yes"at bumaba na nga ako. teka ano to?bat sa tapat ng pawnshop?
"sige ha dyan ka na"
"ano??wait!"tapos sinarado niya yung pinto
*KNOCK* *KNOCK*
"Kim!papasukin mo ko!"
"gusto mo na bumaba diba?"
"Kim sabi nang papasukin mo ko eh"
"bahala ka"
"kapag di mo binuksan yan...TATAWID AKO!"
"sige na tawid na"
"hinahamon mo ko ha"
at yun balak ko na sana tumawid sa kabilang kalye ng biglang...
"aray!ano ba?bitawan mo nga kamay ko!"
"isa kang matalinong t*nga alam mo ba yun?!?"
"che!bitawan mo nga ako!gusto kong tumawid!"anlamig naman ng kamay niya, para tuloy siyang kinakabahan
"bakit ba gusto mong tumawid?!?"mukha na siyang seryoso nun
"gusto kong bumili ng isaw!"tapos tinuro ko yung nagiisaw sa kabilang kalsada
aba tumawa ba naman ng pagkalakas lakas. Parang sira
"ahahahahaha!"namumula na siya at hawak hawak yung tiyan niya. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dahil tawa siya ng tawa sa tabi ng daan
"anong nakakatawa dun?ayan oh namumula ka na sa kakatawa mo"grabe ang pula niya para siyang kamatis
"ikaw--ahaha--kasi eh--ahaha"
"ano?di kita maintindihan. Tumigil ka nga sa pagtawa"
"asus!para isaw lang pala gusto mo puntahan nalang natin yun eh. Akala ko pa naman tatawid ka kasi ayaw kitang papasukin"
"at isa pa bat di mo man lang sinabi na bibili ka ng isaw"
"bat ko naman gagawin yun?kelangan ko pa bang magpaalam sayo?"
"kapit"tapos inabot niya yung kamay niya sakin
"anong gagawin ko diyan?"habang nakatingin sa kamay niya
"sabi ko hawakan mo kamay ko"
"bat ko naman hahawakan kamay mo?"
"sige bahala ka tumawid magisa"
tapos kinuha ko kamay niya ng hindi niya inaasahan kaya bigla niyang tinanggal
"ano nangyari sayo?eto na nga sasama ako. Alangan naman ikaw lang ang makatikim ng isaw?di ako payag dun no"
"wag ka ngang nanghahawak bigla bigla ng may kamay!"
"eh ikaw nga yung nagooffer diyan tapos magagalit ka"
hala namumutla siya.ahaha. Ano nangyari dito?
"huy!bat ka namumutla?natakot ba kita?sori!di na kita hahawakan sa kamay ng di mo alam"
"talaga lang!"
"oo na!"
"kapit ka nang mabuti ha"sabi niya habang hinihigpitan niya yung paghawak sa kamay ko
"in one, two,three!"sigaw ko
kumaripas na kami ng takbo sa pagtawid. Nang makarating kami sa kabilang kalsada ang higpit parin ng hawak ni Kim sa kamay ko
"huy kim...*sabay turo ko sa kamay ko*yung kamay ko, nakatawid na tayo"
bigla na lang siyang namula, at bigla nalang niyang binitawan yung kamay ko at iniwas yung tingin
"hey okey ka lang?namumula ka oh*sabay turo sa mukha niya*"
"kanina lang namumutla ka tapos ngayon namumula ka"
"sadya lang akong pinanganak ng maputla kaya pag mainit namumula ako"
"ah ganun?"
"tara bili na tayo ng isaw"
"ate pabili po ng 6 na isaw"
"6?"sabi ko
"bakit?dalawa sayo, dalawa sakin, dalawa kay manong"
"sus!kulang yun no"
"ate gawin niyo nalang pong 7"sabi ko
"wag ate 9 nalang"sabi ni Kim. Tapos tumingin siya sakin
"alangan namang ikaw lang ang may tatlong isaw?"
nung natapos ng ihawin yung isaw pinaplastik nalang namin pati narin yung sawsawan
"tara na balik na tayo baka nakabalik na si manong"
at yun sumugod ulet kami sa pagtawid. Nang makapasok kami sa kotse
"Kim san kayo nanggaling?"
"bumili lang po ng isaw"
"eto po isaw niyo oh"habang inaabot ko sakanya yung supot ng tatlong isaw
"eto naman po yung sawsawan"habang binibigay ni Kim
"salamat. Mamaya ko na lang kakainin to"
"manong tara na sa ating first destination"
"san ba kasi yun?"
"malapit mo nang makita"
after how many more minutes
nagpark na ulit ang kotse
"oh andito na ba talaga tayo?"
"yep. Baba na"
"ayoko nga!baka mamaya sarasuhan mo na naman ako ng pinto"
"hinde andito na tayo no"
"ikaw mauna"
at yun nauna na siyang bumaba. Pagkababa niya binuksan ko na rin yung pinto sa side ko
"ops!ops!balik!bilis!pasok!"sabi ni Kim habang tinutulak ako pabalik sa loob ng kotse
"ano na naman ba??kanina nilock mo ko sa labas, ngayon naman ilalock mo ako sa loob!"
"hinde basta!'
"aray!"itulak ba naman ako ng malakas as in malakas. Kaya nasubsob tuloy ako sa loob.
tapos binuksan niya ulit yung pinto para sakin na parang gentleman. Lumabas na ko nun at sinarado niya ulit yung pinto
"ano na naman bang gimik yon?"
"wala. Baka isipin kasi ng ibang tao di ako mabait sa girlfriend ko"
"he!di mo ko girlfriend noh!atsaka mabait ba yung itulak ako papasok sa loob ng kotse mo?"
"ano nga palang ginagawa natin sa baywalk?"
"tara upo tayo dun"
nauna siyang maglakad sakin
"umupo ka kaya"sabi niya habang nakatingin sa relo niya
"anong meron sa relo mo?"
"its exactly 6:00 already..."tapos tinuro niya yung sunset
"ang ganda no?"
"oo nga..."
humiga ako dun sa may inuupuan namin
"anong ginagawa mo?"sabi ni Kim
"maghihintay na rin ako para sa stars"
"cge maghintay ka dyan hanggang gabi. Iiwan ulit kita"
napatayo naman ako bigla
"may sinabi ka kanina eh...anu ba yun?...ayun! sabi mo first destination lang to, so wats next?"
"secret"
"bat ba puro secret?"
"gusto ko eh"
"may favor ako sayo"
"ano naman yun?"
"umoo ka muna"haha. This is my time
"oo"ang bilis ha
"gusto kong magsmile ka..."
"yun lang?anong gusto mo yung nakakatunaw?"
"kapal mo!gusto kong naka smile ka buong time na pagbabunjee jumping mo"
"huh???"
"bsta it will happen soon...don't worry soon pa yun"`sabi ko
"ow...so tara na sa next stop"
bumalik na kami sa kotse
"manong next stop po"
"Kim malayo ba yun?"
"medyo. Matulog ka nalang. Gigising nalang kita kapag andun na tayo."
"ayoko nga di naman ako inaantok eh"
"bahala ka"
nakalipas na ang ilang minutes
anlayo naman nun...airport ba pupuntahan at napak layo? teka nga---
papuntang airport to ah. Ano namang gagawin namin sa airport?
"Kim...anong gagawin natin sa airport?"
tiningnan lang ako at di man lang sinagot yung tanong ko
"wow!andami kong nakuhang clue sa pagtingin mo"
"basta"
"hoy baka naman i-isolate mo ko ha!o kaya naman baka dalhin mo ko sa iraq na may gyera, oh sa africa na may mga hanibal"
"shonga!di ka tatanggapin sa iraq noh, atsaka baka i-soli ka pa ng mga hanibal na yan"
"sinasabihan mo ko ng shonga?!?"
"hinde!ang kulit mo kasi eh!"
"anong hinde!eh sinabi mo na nga!gusto mo ba ng away?!"kanina pa to ah
"eto naman di na mabiro"
"gusto mo bang malaman kung bakit kita sinasabihan ng shonga?"
"bakit?!?"
"kasi close tayo!ganun kaya yun. Mga close people kahit ano ano nalang sinasabi sa isat-isa no?di mo ba alam yun?eto talaga huli lagi sa balita"palusot niya
"close ka dyan!di tayo close no!"
"oh sige iwan kita dito sa gitna ng daan!"
"oo na close na kung close or watsoevah!"ahaha. Bigla akong bumawi. Syempre ayokong iwan nalang ako dito sa gitna ng daan noh
"so ano nga gagawin natin sa airport?"
"malalaman mo rin naman eh. Kaya pwede maya mo nalang itanong"
nagpunta kami sa may arrivals ng domestic flight.
binaba kami ng driver sa tapat ng arrivals ng domestic flights
"ow so sino susunduin natin?"
"pinsan ko"habang iniikot ang tingin kung saan saan
"babae ba pinsan mo?"
"nope"
"so lalake siya?"
"di ba obvious?may iba pa bang gender ang tao bukod sa lalake at babae?"oo nga naman Raynell. Ano ba kasing klaseng tanung yun?
"ano pangalan niya?"
"Janri Mendoza Pecson"
Janri?hmmm...parang familiar yung name ah. Oh well di lang siguro siya yung may name na Janri
"age?"
"15"
"height?"
"ako nalang nga yung maghahanap sakanya"
"ok"sabi ko
"ano nga pala height mo?"tanong niya
"5.8 1/2. Bakit?"
"wala lang"
"eh ikaw?"
"5.10. Bakit?"
"like what you said"sabi ko
nagulat naman ako ng bigla siyang sumigaw ng...
"JAAPPP!!!Insan!!!"with mathcing kaway of the hands pa yan ha
di ko masyadong makita si dear cousin ni Kim kasi nakaharang siya habang kaway ng kaway.
"uuyy!Kim!insan!"at tumakbo na rin siya sa direction ni Kim habang hatak hatak yung maleta niya
sinalubong naman siya ni Kim at nagghug pa talaga ng matagal ha. Ang sweet nga nila eh para tuloy silang mga bakla.ahaha. Kung di lang sila magpinsan aasarin ko si Kim
aba talagang ayaw kumalas sa isat-isa netong mga to ah.
"*ehem* *ehem*"parinig ko para malaman nila andito pa rin ako
"ay sori Raynell. Eto nga pala si Janri Mendoza Pecson"
"Jap nalang"sabi niya ng naka smile.
aaaaahhhhh!!!ang gwapo grabe!tapos kung magsmile nakakatunaw!may dimples din siya, nasa lahi na yata nila yun eh. Kamukha niya si Hero Angeles!grabe first crush ko siya sa reality, mga crush ko kasi puro anime o kaya artista
"eto naman si Xzaryne Raynell C. Gonzales"
"Raynell nalang"
tapos nakipag shake hands siya sakin. Grabeh lambot ng kamay niya. Parang ayaw ko pa bitawan
"Raynell?ikaw ba si Raynell na ka chat ko?"
"huh???"
"ikaw si hay_nako diba!yung magandang boyish, masungit, suplada pero masarap ka chat kong ka chat. Ako si quiet_nga"
hmmf!masungit,suplada!pero okey lang at least sinabi niya masarap akong ka chat
"ow! ikaw nga! kaya pala familiar name mo eh!ikaw yung bolero at mangaasar kong ka chat!"hah!kala mo ikaw lang?di porket crush kita ha. Pumapatol pa rin ako sa mga kagaya mong mahilig mangasar
"ahehe. Pero ngayon napatunayan ko talaga na isa kang magandang boyish"
"*ehem* still hear"
"hay...panira ng momentum. Epal talaga"*whisper*
"ha?anong sabi mo ulit?"
"sabi ko andito ka pa pala---este---nadala lang"
"Jap eto nga pala ang future mrs. Lopez"
aaahhh!!!Kim bat mo sinabi yan!
"ows?!?di nga?di ako naniniwala na girlfriend mo siya"
dapat lang di ka maniwala
"well kunwari lang kasi nga diba tungkol dun sa 'flew away.byebye'"
"alam na ba niya yung tungkol dun?"
"hinde pa. Pero wag mo muna sabihin sa kanya ha"
"hoy ano yan ha???"
"wala"
tapos inakbayan ako ni Hero---este---Jap pati na rin si Kim, habang naglalakad kaming tatlo si Kim ang naghahatak ng mga bagahe ni Jap.
"insan. Eh kung totohanin mo nalang kayang ligawan si Raynell para kapag sinagot ka niya edi hindi niyo kelangan pang magpanggap. Oh diba!"
aba ok lang sana kung ikaw yung manligaw sakin eh, pero yung pinsan mo?i don't think so
"sige ka aagawin ko si Raynell sayo"
sige!sige!bilis agawin mo na ko!anytime, anywhere!wag mo na nga ako ibalik eh
"hay nako insan...wag mo nang balak agawin---este---ligawan yang si Raynell. Mas maangas nga yan kesa sayo eh"
nadulas ba siya?hmmf!hinde yan for sure baka nag kamali lang nga talaga
"whoosh!wag ka na mag deny!ayaw mo paligawan si Raynell dahil natatakot kang mawala siya sayo"
"che!"
pumunta na kaming tatlo sa kotse at kinarga na sa likod yung maleta at bag ni Jap
nasa passengers seat kaming tatlo sa likod. Si Kim nasa kabilang side sa may window, nasa gitna si Jap, at ako nasa kabilang side din ng window
"Kim. Dito ka kaya sa harapan"sabi ni manong
"ahhhmm...dito nalang po ako namiss ko po kasi si insan eh"
"asus...namiss, oh nagbabantay---"habang tinatakpan ni kim yung bibig ni manong sa likod
"ano po yun?"tanong ko
tapos tinanggal na ni Kim yung kamay niya
"ahh...wala ija"
nag usap lang kami ni Jap, habang si Kim ayun tuolg nanaman ata
"pede mag tanong?"sabi ni Jap
"ano ba yun?"
"naka ilang boyfriend ka na?"
"wala pa since birth"
"oh?sa ganda mong yan?"
"bolero ka talaga"
"serious!pero syempre may nanliligaw sayo diba?"
umiling lang ako
"huh?"
"sabi ko wala. Walang nanliligaw sakin. Wala pa"
"oh?"
"oo nga. Kakasabi ko lang eh"
"bakit?"
"anong bakit?"
"bakit walang nanliligaw sayo?"
"kasi hindi ako nagpapaligaw. Ayoko ng may naka buntot lagi saken na manliligaw"
"ano gusto mo?diretso 'tayo na'?"
"hinde noh!"
"jowk lang"
"hmm... siguro takot sila sayo. Pero kung ako sila, bat ako matatakot eh mukha ka ngang anghel eh"
"alam mo kanina ka pa eh. Ikaw bolero si Kim naman manlalait...magkamag anak nga kayo"
"kung wala yung kundisyon niyo ni Kim, pwede ka ba ligawan ng iba?"
"oo naman. Kahit meron oh wala. Sila lang naman kasi yung mabilis gumiv-up, at takot sakin eh"
"ops!ops!ops! di siya pwede. Girlfriend ko na siya"
bat gising tong malignong to?kala ko ba tulog siya
"ahmm...la naman akong sinasabi eh"
"i'll explain later sa bahay insan ha?"
"ok"
"palit tayo kasi malapit lapit na tayo sa bahay, atsaka andyan yung girlfriend ko"
"anong girlfriend?kunwaring girlfriend kamo"sabi ko
at yun nag palit sila ng pwesto habang umaandar yung kotse. Nadaganan pa nga ni Kim si Jap eh.huhu
"whew!at last naka lipat narin!"
"bat ka nakipag palit?"tanong ko sakanya
"kasi malapit na tayo sa bahay"
"ano namang connection kung malapit na tayo sa bahay niyo?"
"kasi andito ka"
huh?ang gulo naman neto
"ano ngayon kung andito ako?"
"kasi nga diba gf kita"
"en so?"
"aray!"
tok tokan daw ba ko, pero di naman malakas. Subukan niya lang gawing malakas
"bat mo ko tinok tokan?"
"hindi mo ba gets?"
"kaya nga puro question mark yung nasa hulihan ng mga sinasabi ko eh"
"*sigh* syempre para magmukhang kapanipaniwala na gf kita, kelangan nasa tabi kita"
"kelangan ba talaga?"
"oo"
nung nakapasok na kami sa gate ng bahay nila
"oh baba na"sabi ni Jap
pagpasok sa bahay nila Kim
wow!ang ganda ng bahay nila ha.
"hi Mom, hi Dad"
"aba at may kayganda ka namang bisita, at Jap! ijo!sabi ng mommy mo dito ka muna daw magiistay samin hanggang college kasi daw ayaw mo daw sa america"
Nanay ba siya ni Kim?kahit na mukhang mas matanda siya ng 2 years sa mama ko ang ganda pa rin niya, no wonder kung san nakuha ni Kim ang kanyang looks, kamukha niya eh
"yes tita it's true"
"oh anak sino yang matangkad at magandang bata na kasama niyo. Why not introduce her"
bata???mukha ba akong bata?
Tatay siya siguro ni Kim. Pareho sila ng ilong, matangos
"Dad, Mom. I want you to meet Raynell...my girlfriend"
tumahimik sila bigla at bigla nalang...
"aaahhh!!!im so proud of you ijo!"sabi ng mom niya habang hinahalik halikan siya sa mga kabilang cheeks
"congrats son!nag mana ka talaga sakin, marunong mamili"
kinabahan naman ako bigla, kasi biglang lumapit yung mom niya sakin at...
"aaahhh!my future daughter-in-law!"sabi ng mom niya habang niyayakap ako at kinikiss sa magkabilang pisngi
hala!mukhang napasubo yata ako dito ah. Nagsisigurado na. Daughter-in-law daw. Tapos kinurot niya yung cheeks ko
"you two are really perfect for each other. Ang ganda ganda mo talaga ija. By the way im tita Jade Pecson Lopez, you can call me tita Jade for now kasi hindi pa naman kayo kasal"
hala!kasal daw?!?naku po!nakita ko naman si Jap na nagpipigil ng tawa. Sumunod na lumapit naman ay yung dad ni Kim, at bineso beso ako
"ija our son is one lucky guy to have you. By the way im your tito Kevin D.R. Lopez, you can call me tito Kevin nalang"
lucky?baka malas. ahaha
"Xzaryne Raynell Clavero Gonzales po. Raynell nalang po"
"Gonzales?kaanu ano mo si Dr. Raynald R. Gonzales at si Dra. Riza C. Gonzales?"
kaanu ano ko nga ba sila?ay teka parents ko nga pala sila
"parents ko po sila. Kilala niyo po ba sila?"
"of course!pasyente kami ng dad mo. And ang mom mo?dapat nga siya ang magpapaanak kila Kim eh, kaso nung araw din na yun siya nanganak kaya sabay kaming nanganak nun"
huh?KILA kim?hindi naman kambal si Kuya Ken at si Kim ah. Hmm...baka naman may kakambal si Kim. Atsaka big sabihin...pareho kami ng birthday ni Kim?
"ija nasabi niyo na ba sa parents mo na kayo na ni Kim?"
oo nga noh?di pa nila alam
"uhmm...actually sasabihin na po namin mamaya ni Raynell sa kanila yun eh. Kanina lang po kasi niya ako sinagot"
"aahh...that's good son. Mabuti at sinabi mo kaagad samin"sabi ni tito Kevin
"Raynell dito ka nalang kaya magdinner?para naman magkakilala tayo ng husto"
"ahhmm...sige po ok lng po"
"ei tita, tito akyat muna po ako ha, bihis po muna"sabi ni Jap
"oh sige pumunta ka na sa dati mong kwarto at mag bihis na, ipapaakyat ko nalang kay manang yung mga gamit mo. Bumaba ka na rin pagkatapos mong magbihis at kakain na tayo"
"opo tita. Thanks"
"mom asan po si Kuya?"sabi ni Kim
"nasa bahay ng kaklase niya gumagawa sila ng project, dun nalang daw siya kakain wag na raw natin hinatayin"
"psst. Kim asan c.r niyo?naiihi ako eh"
"ituturo nalang kita papunta dun"
"mom, dad una na po kayo ituturo ko lang po siya sa c.r"
"oh sige sunod na kayo pagkatapos ha"
"opo"
at yun umakyat pa kami sa itaas, dun nalang daw ako mag c.r
magkalabas ko ng banyo
asan na yung Kim na yon?
"Kim?asan ka?"
"andito ako"may nagsalita, mukhang galing sa loob ng kwarto yung boses. Pero andaming kwarto mga 7, eh alam ko 5 lang sila kasama na dun si Jap. Oh well...siguro dalawa yung guest room nila
"asan?"
"pumasok ka dito sa may bukas na pinto"
pumasok naman ako. Pag pasok ko
"naka naman!anlinis ng kwarto mo ah, di halata na kwarto mo to"
tapos umupo ako dun sa may bean bag niyang kulay apple green na katabi ng kama niya kung san siya naka higa
"favorite color mo ba green?"
puro green kasi yung mga gamit niya eh, pati yung bedsheet, yung unan, yung cabinet, yung pinto ng banyo niya, yung pintura ng dingding niya apple green. Lahat yata ng uri ng green amdito na sa kwarto niya eh
"di ba obvious?tara na baba na tayo, baka hinahanap na tayo sa baba eh"
"tawagin na rin natin si Jap"
sa tapat ng kwarto ni Jap
*knock* *knock*
"oi insan...tara na baba na tayo"
"oh tara na"pagkabukas niya ng pinto
pagpunta namin sa may dining table nila
"wow!sarap naman nito tita"sabi ni Jap
"hala...uy insan naglalaway kana oh...yuck"sabi ni Kim habang tinuturo si Jap
"che!"
"oh pray na tayo!who will lead the prayer?"sabi ni tito Kevin habang tinitingnan kami isa isa
walang sumasagot samin
"Jap tutal bagong dating ka will you lead the prayer?"
"sure"
pagkatapos mag pray. Umupak na ko ng kain. Duh!gutom na kaya ako. Wala akong paki kung isipin nila na matakaw ako, basta kakain ako!
siniko siko naman ako ni Kim dahil nga katabi ko lang siya
"hindi kaya maimpacho ka o kaya mabangungot niyan mamaya?"*whisper sakin*
"bakit naman?"*whisper*
"andami mo na kayang kinain...may mashed potato, lasagna, carbonara, chicken, mushroom soup tapos meron pang black forest cake, refrigerated cake, strawberry cream"*whisper*
"xempre kung konti yan hanggang bibig ko lang yan di pa yan aabot sa tiyan ko"*whisper*
"mas matakaw ka pa kesa kay Jap eh"*whisper*
"so?"*whisper*
"antakaw mo. Tapos sexy ka?"habang naka-ngiti*whisper*
"mabilis lang siguro body metaboli---what?!"*whisper*ano sabi nitong kumag nato?sexy?eh kung upakan ko kaya to
"hehe...kumain ka na lang..."*whisper*aba!naghahanap ng lusot!...hmmf!kakain na nga lang ako
pinag patuloy ko na ang pag lamon--este--kain. Pagkatapos naming kumain lahat
"tita Jade, tito Kevin. Thank you po sa dinner. Uuwi na po ako, baka hinahanap na po kasi ako samin. At sasabihin pa po namin yung tungkol samin"eeeeewwww!tungkol samin???yuck
"ahhh...ganun ba ija? o sige magingat kayo sa daan ha."sabi ni tita Jade
"Kim ingatan mo ang manugang namin ha*habang naka smile*"sabi ni tito Kevin. Hay...pareho sila ng magulang ko...manugang daw??
sinarado na nila yung pinto ng bahay...
habang papunta kami sa may kotse nila, nagulat ako nung bigla nalang akong hinawakan ni Kim sa bewang kaya...
"Aray!aray!wag mong pilipitin yang kamy ko ang sakit!"
nakita ko naman yung kamay ko na pinipilipit yung kamay ni Kim. Kaya binitawan ko agad
"whew!ansakit nun ah!*habang hinihimas himas yung kamay*bat mo ba kasi pinilipit yung kamay ko?"
"eh ikaw kasi eh!bat ka bigla bigla na lang nanghahawak ng bewang!may bewang ka naman!"
"duh???girlfriend po kita!"
"ano namang connection nun?!?"
"hayy..ang slow mo...girlfriend. Kelangan caring ako sayo."
"kahit pa dapat naman nagsasabi ka para di ako nagugulat!"
"oh sige na magpapaalam na ko sa susunod...ayoko namang mabalian kagad ng kamay. Syempre isusuot ko pa sayo yung sing-sing sa kasal natin. Hehe"ano daw???nabingi ata ako dun ah!...aba!sigurista!kasal na kagad
"he!tumigil ka nga kunwari lang to no...kunwari. Owkay??"
tumahimik naman siya at binuksan na yung pinto sa likuran, sa may passenger's seat. Ako naman pumunta sa opposite na pinto. Pumasok na ko at sinarado yung pinto
pagpasok ko nakita ko si Kim na nakayuko, tapos inangat niya yung ulo niya at tumingin sa window sa side niya...
"haha*pilit na tawa*oo nga kunwari lang naman talaga...pero sana..."di na niya tinapos yung sinasabi niya at pumasok na rin si manong
yeah...maybe...siguro...kung para sa kanya kunwari lang...o hinde.
para sakin........
kunwari nga ba talaga??
**********
nakarating na kami sa bahay ko nang walang imik si Kim, dahil tulog nanaman kaya ginising ko pa siya. Pagpasok namin...
"uy!msta lakad niyo?"tanong ni kuya Yuri na nakaupo sa sofa
"kuya Yuri, kuya Ziphril, Ma, Dy...may sasabihin po kami sa inyo..."sabi ko
"ANO?!?KAYO NA?!?"sabay sabay nilang sabi. Kaya napahawak ako bigla sa kamay ni Kim...
"YEHEY!!!sa wakas!"sabi ni kuya Ziph at kuya Yuri. Ano daw???yehey?aba! at tuwang tuwa pa
"talaga anak?totoo ba yun?"sabi ni Daddy at Mama
"uhmm...actua---"pinutol na yung sinasabi ko at nagsisisigaw sila na 'sa wakas!'
"hello!!!let me speak!"tumahimik naman silang lahat at napansin kong nakatingin sila sa kamay ko...aaaahhh!yung kamay ko nakahawak pa pala sa kamay ni Kim. Kaya binitawan ko agad yung kamay niya. Napansin ko naman na medyo namula siya. hehe. Kinilig ata!ahaha...ang feeler mo Raynell
"yihee!ang sweet!"sabi ni kuya Yuri na parang kilig na kilig
"ok...whew...your right...kami na"
"aaaahhhh!!!naniniwala na ko na di kita kagaya anak!"sabi Daddy...ano naman tingin nila sakin?one of the boys?
haay...pamilya ko nga sila
"Kim!tol!group hug tayo!"tapos hinatak na nila kuya si Kim
"Kim!ijo!halika dito"tinawag siya ni Mama at kiniss sa magkabilang pisngi. Aba naunahan pa ko ni Mama--este--inuna pa si Kim na halikan kesa sakin, samantalang katabi niya lang ako
lumapit naman sakin si Daddy at...
"i guess you already know what i will say. I trust you anak and also Kim kaya i like him for you. Even though he's makulit and similar to you. I trust him, cause like i said he's similar to you. And Lopez epelyido niya diba?now i know he seemed famillar, kamukha niYa kasi si Mrs. Lopez at Mr. Lopez eh. Pero mas marami siyang nakuha sa mommy niya"
hmmf!pareho daw kami ni Kim?di ba hindi naman?di ba?
ako naman ngayon ang nilapitan ni Mama at si Kim naman ang nilapitan ni Daddy
"anak im proud of you, and i guess you already know your limitations?i trust naman both of you eh. Remember don't break that trust"
si Mama talaga...para namang may gagawin kami, eh kunwari lang naman talaga to
to be continued...
Tags: | comedy | romance |
